Matapos ang isang mahaba at nakakapagod na araw sa trabaho o at sa paaralan, karamihan ng mga tao ay linalabanan ang stress sa pamamagitan ng pagpupuno ng kanilang mga bibig na puno ng masarap at malalasang ng pagkain. Ngunit, Mahirap hanapin ang isang restaurant na naghahain ng masasarap na pagkain sa abot-kayang presyo para sa mga manggagawa at estyudante na may kaunting badyet lamang. Sa dagat ng mga labis-ambisyosong restawran na hindi palakaibigan sa wallet, o ang mga may murang pagkain na hindi masyado nakaka-aliw sa customer, may tatlong restawran para sa akin na nakakatulong ng tao sa naghahanap ng magandang kalidad ng pagkain na hindi masakit sa wallet. 

Ang una ay:

Tropical Hut (Marikina Riverbanks)



Dati, 'di ko talaga magustuhan na pumunta sa Tropical Hut kasi inakala kong kinopya lang nito ang mga sikat na fast food tulad ng Mcdonalds. Pero, nasubukan ko siya noong nagbebenta ang mga batchmates ko sa Ateneo High School dahil sa Katipunan Fund Drive. Kinain ko ang cheeseburger nila at nagustuhan ko 'to. Kaya madalas akong pumupunta sa Tropical Hut sa Riverbanks ng Marikina kasi malapit lang 'to sa Ateneo.

Tuwing pumupunta ako sa Tropical Hut, napapansin ko ang habitus na kapag kakaunti ang tao bumibili, hindi masarap ang mga hain ng kainan. Kaya, nakakapagtaka kung bakit bibihira lang ang dumadalaw dito kahit sobrang sikat nito noong 1965 at isa ito sa mga kainan na mayroon masarap na burger. Maaring dahil sa kumpetisyon ng Mcdo, Jollibee, KFC atbp. na kumakaunti ang bilang ng kustomer ng Tropical Hut kaya maaring nakaapekto 'to sa bilang ng branches nila. *Oo nga pala, sa Pilipinas lang pala branches nila* Dahil na nga sa presensya ng iilang sikat na fastfood restaurants, maaring nakaapekto 'to sa pagkalat ng impormasyon sa mga promo/sales/events ng Tropical Hut kung kaya't natatalo ito sa mga kalaban nito.

Napapansin ko rin na ordinaryong tao lamang kumakain dito baka dahil sa murang presyo ng mga pagkain kaya abot-kaya ito. Kung gano'n, pinupuntahan ito ng mga tao upang makatipid ng pera at mabusog sa mga masasarap na pagkain. Marami silang rason para magtipid. Sa kaso ng mga manggagawa, nagtitipid sila maaring dahil nag-iipon sila para sa pangangailangan ng kanilang pamilya o hindi sapat ang sweldo ng trabaho nila. Kumbaga sabi na nga sa official website ng Tropical Hut, para sa lahat ang produkto nila. Kaya, napapansin sa mga fast food restaurant na ang liliit ng serving ng mga pagkain at, minsan, 'di pa maganda ang kalidad ng mga burger o mga rice meal. (Minsan nga bahaw pa binibigay sa akin). Napakasakit man isipin, baka nangyayari ito dahil nasa "developing country" tayo kaya nababawasan ang kalidad ng mga fast food restaurant para sumang-ayon sa kakayahan ng kararamihan. Dahil dito, tila sobrang nakakaiba kung mayroong mayaman kumain doon dahil sa mga nosyon na di sila palaging kumakain sa mga fast food restaurants.

Sa kaso ko naman,  mahilig ako magtipid basta nasasarapan ako sa pagkain at 'di ito nakakasakit. Kaya inirerecommend ko itong fast food restaurant dahil nakakatulong ito sa pag-tipid ng pera at masasarap pa ang kanilang mga pagkain katulad ng Original Cheeseburger at ang Pinoy-style Spaghetti na binabalik-balikan.





Ang pangalawa naman ay:

Ababu (Katipunan Xavierville)
Palaging napapag-usapan ang Ababu, isang Persyanong kainan, sa Ateneo lalo na't noong estudyante pa ako ng AHS pero 'di ko alam kung bakit naeenganyo mga kaibigan ko na tumambay roon. Nasubukan na rin namin ng barkada ko bago ang araw ng aming graduation. Masasabi kong kaya naman ng badyet namin ang hinahain ng kainan. Nasubukan ko 'yong value meals nila lalo na 'yong beef kebab rice meal. Masasabi kong sulit siya sa pagkakataon kong nakita kung gaano karami ang kanin nila, talagang nakakabusog siya. Dahil nasa Xavierville lang 'to, malapit lang 'to sa Ateneo, at iba pang eskuwelahan, kaya maaring maging lugar to ng istambayan. 

Dahil sa mga paskil sa mga social media at ang lokasyon niya na malapit sa mga lugar pang-inuman, nagiging sikat ang Ababu bilang tambay spot lalo na sa mga mahilig gumala.
Kaya napapansin dito na madalas itong pinupuntahan ng mga highschool at college students (karamihan galing sa mga pribadong paraalan). Nakakapagtaka na kakaunti lang kumakain na mga ordinaryong tao, 'yong tipikal na trabahador o pamilya. Baka dahil na nga sa presyo ng mga pagkain na mukhang sulit sa amin, pero maituturing mahal para sa iba. Kung gano'n, maari rin na dahil naiituturing ang mga ganitong klaseng estudyante na burgis. O baka rin dito dumadagsa ang mga nakainom na para itanggal ang kanilang lasing.

Nakapagtataka rin ang setting ng Ababu, kailan lamang sila nagkaroon ng airconditioned room. Mas-maraming tao ay pumupunta sa airconditioned room, siguro dahil sa tingin nila na mas-mukhang pribilyado sila kaysa sa mga tao na nasa labas lamang, pero ang pagkakaiba lamang ay nag-babayad sila ng tatlong piso pa.

Pumupunta rin dito ang mga tao o estyudante sa madaling araw dahil naniniwala sila mas-masarap ang luto nila kumpara sa tanghalian dahil walang masyadong customer, at dahil doon, mas-mataas ang kalidad ng kanilang pagkain sa paraan na ang pag-luto nila ay mas-bago or sariwa. At siyempre naman, sobrang kakaiba ang kumakain ng "Midnight snack" na Persian pagkain na masarap at mura kumpara sa karaniwan na Mcdo o Jollibee, subalit, hindi nga lang nag-dedeliver ang Ababu, pero fresh parin ang kanilang pagkain kaysa sa pagdelivery.

At ang huli ay ang:

Sweet Inspirations (Katipunan)
Siyempre hindi kumpleto ang ating kainan kung walang dessert/s. At san pa ba mahahanap ang matatamis, masasara, at abot-kayang presyong mga keyk, ice cream, at milkshakes kundi sa Sweet Inspirations. 

Kapansin-pansin na marami talagang estyudante kagaya ko at mga trabahador rito, dahil dito sila tumatambay para mag-aral, gumawa ng kanilang mga gawain, makipag-chika ng matagal na oras. Sa lahat rin naman ng mga cafe restarurant kagaya ng Sweet Inspirations o Starbucks ay karamihan estyudante. Subalit, sa aking opinyon, madalas inaabuso nila ang mga cafe na ito dahil libre wi-fi, libre charging stations, at libre service kung may nakabili ka ng kahit anong produkto sa kahit anong presyo. Madalas binibili ng mga estyudante ang pinakamura na produkto kagaya ng kape o sandwich, at tumatambay na sila ng higit anim oras doon at hino-horde ang wi-fi at outlet.

Hindi rin kumukulang ang Sweet Inspirations sa kanilang menu, mula sa buffet hanggang ala carte menu, kumpleto sila. Subalit nakaksira ang kalidad ng pagkain sa pagkakaroon kadami-daming choices sa menu dahil marami ang kailangan lutuin ng chef at magiging magulo ang mga station sa loob ng kusina, hindi ipinahihintulot ang Sweet Inspirations ang kanilang pagkain, sinisigurado nila na ang iyong bayad, ay ganyan rin sa inyong plato, kaya napapabalik ako ilang beses na!


Marami-rami rin naman restawran na masasarap ang pagkain at mura lamang, pero para sa akin, itong tatlo ay nag-bibigay bagong buhay dahil sa sarap ng pagkain at sa presyo na abot-kaya. Hindi ka mag-dadalawang isip sa pagpunta mo rito, siguradong babalik rin kayo dito! Kaya tara, KAINAN NA!

Sources:
https://www.youtube.com/watch?v=KQzex96KZ38
https://prezi.com/r8lfzdteiwpp/tropical-hut-presentation/
http://tropicalhut.ph/
https://www.youtube.com/watch?v=3gmNudEByZU








Comments